Ang Korea Woman Migrants Human Rights Center at Ministry of Gender Equality and Family ay nagtulungang magkaisa sa taong 2012 na maglathala-publish ng “Talaan sa Pagtugon sa Kagipitan” para sa dayuhang kababaihan ng “Hakbang at Gabay para sa Kaligtasan sa Lipunan ng Babaing Dayuhan”.

Sa babasahing ito ang kinakailangang pangunahing kaalaman sa umpisa ng pamumuhay sa Korea, karahasan sa tahanan, seksuwal na karahasan, prostitusyon at iba pa, ang paraan ng paglutas ng pinsala kung sakaling magiging biktima ng karahasan, ang pagharap sa pansariling kagipitan sa pamumuhay, ang paraan ng paghingi ng tulong at iba’t iba pang impormasyon ay maliwanag na nakasulat.

Ang babasahing ito ay nakasalin sa salitang Korean, Chinese, Vietnamese, Filipino, Russian, Cambodian, Mongolian at iba pang salita para sa mabilisang pag-unawa at pakikipagsalamuha ng babaing dayuhan. Sana ito ay maging mabisang gabay sa pamumuhay ng mga kababaihang dayuhan sa Korea.

 

Paalala: Ang babasahin ay naka-PDF file na maaaring i-download para magamit, kung gagamitin ang nilalaman ng babasahin paki-usap na banggitin ang pinagmulan ng artikulo.

< Nilalaman ng Babasahin >

– Umpisa ng Buhay sa Korea: Mga pangunahing sistema na dapat malaman ng dayuhan (Programa para sa Masayang Pag-uumpisa- Happy Start Program)

– Paraan ng Pagtugon sa Karahasan sa Tahanan: Organisasyong tumu- tulong, Paglutas ng karaniwang karahasan sa tahanan

– Paraan ng Pagtugon sa Seksuwal na Karahasan: Pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa seksuwal na karahasan, Pagharap sa salarin

– Paraan ng Pag-aksyon sa Prostitusyon: Dapat tandaan sa paghanap ng uri ng trabaho

– Paraan ng Pagharap sa Kagipitan: Paghihiwalay (divorce), sakit, kalusugan, paglayas at iba pang paraan ng paglutas sa iba’t ibang uri ng sitwasyon

링크기관_필리핀(영).gif