<Lumipas Na Pangyayari>
<Taon 2013>
- Narehistro sa taong 2013 Ika-25 ng Enero ang abusong panggagahasa
kay A babae mula sa Vietnam.
- Unang pagdinig sa kaso ng panggagahasa ika-11 ng Marso.
- Pangalawang pagdinig sa kaso ng panggagahasa ika-28 ng Marso.
- Desisyon ng korte sa kaso ng panggahasa ika-30 ng Mayo.
– Biyenan na lalaki(Choi○○) 7 taon na pagkabilanggo, pag-kumpleto ng 80 oras na sekswal na karahasang programa na paggagamot , 10 taon na pagsisiwalat ng nasasakdal sa publiko)
- Paghahabol sa may sala sa abusong panggagahasa ika-13 ng June.
- Paghahain ng pagpapawalang bisa ng kasal ng biktima A sa asawa na
si Kim Imo ika-28 ng Agosto.
- Tinapos ang paghahabol sa may sala ng abusong panggagahasa
ika-5 ng Nobyembre.
<Taon 2014>
- Desisyong paglilitis sa paghahain ng pagwawalang bisa ng kasal ang
asawang lalaki si Kim Mo taong 2014 ika- 27 ng June
– pagkansela ng kasal, nasasakdal(A Vietnam na babae )
pagbabayad ng 8,000,000 won sa asawang lalaki
- Pag-apila sa isinampang litigasyon sa pagwalang bisa ng kasal ika-23
ng Hulyo
- Sponsor ng Korean Women Migrant Human Right Center ika-18 ng September 「Ekspertong pagpupulong para sa batas ng pagwawalang bisa ng kasal sa kasong pangggahasa ng biyenan na lalaki at sapilitang pagpapakasal」progreso at pagkakaisang depensa ng mga abogado.
- Ika-29 ng Setyembre unang paglilitis / grupong tagapakining
(Korean Women Migrant Human Right, National Council of Women Migrant Shelter)
- Ika-13 ng October pangalawang paglilitis / grupong tagapakinig
(Korean Women Migrant Human Right, National Council of Women Migrant Shelter)
Ang Korean Migrant Human Right Center at Jeonbuk Women Organization ay grupong tagapakinig at patuloy na protesta na ginanap sa harapan ng Jeonju District Court.
- Ika-29 ng Oktubre biktimang babae sa Unibersidad ng Myeongji Child Department (Child․Family Psychotherapy process) na nasa ilalim ng pagpapayo at sikolohiyang pagsusuri ni Professor Park Bu Jin.
- Ika-5 ng Nobyembre Unibersidad ng Myeongji (Child․Family Psychotherapy process)si Professor Park Bu Jin ay nagsumite ng sulat opinyon sa korte -sa kadahilanan ng abusong panghahalay at litigasyon sa pagpapawalang bisa ng kasal para sa pagtanggap ng Psychotherapy na pagsusuri sa madaling panahon.
- Mula ika-31 ng Oktubre- hanggang ika-12 ng Nobyembre kampanya para sa pag pagkalap ng petisyon mga pirma.
(2,419 na katao: Korean 1,879 na katao/dayuhan 540 na katao)
- Pangatlong paglilitis ng mga sekswal na karahasan para sa mga kababaihan Ika-17 ng Nobyembre panawagan para sa pag-apela para sa pagkawalang bisa ng kasal na kababaihan at grupo ng mga kababaihan.
- Pang-apat na paglilitis ika-15 ng Disyembre / grupong tagapakinig (Korean Women Migrant Human Right Center, National Council of Women Migrant Shelter)
<Taon 2015>
- Pangalawang Court Ruling ika-19 ng Enero
– Pagkansela ng kasal, ang nasasakdal(si A isang babae mula sa Vietnam)ay magbabayad ng 3,000,000 won sa kanyang asawa.
- Kataas-taasang Hukuman ang paghahabol ika-19 ng Pebrero.
- Talakayan na gaganapin ika-5 ng Marso “Mga legal na usapin at pambatasan hamon para sa pagkansela ng kasal at abusong panggagahasa sa bata na nagiging sanhi ng panganganak”
(Kababaihan/Dayuhang Kababaihan/ 17 Legal na organisasyon na sama-samang nag sponsor.Pinamahalaan ng: Member of National Assembly-Jin Seon Mi, Korean Women Migrant Human Right Center, Korean Sexual Violence Relief Center)
<Taon 2016>
- Ika-18 ng Pebrero pinasiyahan ng Kataas-taasang Hukuman ang ‘pagpapawalang bisa ng pamamaalam.’
<Partido ni A Vietnamese na babae>
Kahapon pagkatapos ng paghatol sa Kataas-taasang Hukuman ay agad na tumawag ang Direktor ng pansamantalang tirahan. Ang mga guro ng pansamantalang tirahan ay ipinaliwanag ang mga pangyayaring naganap na paghatol sa Kataas-taasang Hukuman. Ang salitang ‘maraming salamat’ lamang ang pumasok sa aking isipan.
Ako ay nahirapan dahil sa mahabang panahon ng paglilitis. Sa panahong iyon ako ay hindi mapagkatulog at laging binabangungot kapag naaalala ang sitwasyong karahasan noong ako ay bata pa at karahasan dahil sa panggagahasa ng biyenan na lalaki.
Mula pagkabata ako ay hindi nakaranas ng pagmamahal mula sa aking mga magulang. Nagpakasal ako sa aking napangasawa at nais magsimula ng panibagong buhay. Subalit ng ako ay nakarating na sa Korea ay ginahasa ako ng aking byenan na lalaki at nilayuan ako ng aking asawa. Sa gitna ng paghihirap sa sekswal na karahasan ang aking asawa ay umapela sa pagwawalang bisa ng aming kasal. Nakakatakot, at hindi maunawaan kung bakit ginawa ito ng aking asawa. Kami ay mag-asawa. Sa aking kaalaman ang sakit at paghihirap ng isa ay inuunawa at alam kung paano magpakita ng konsiderasyon. Subalit inisip ng aking asawa na dahil lang sa salapi, at pandaraya na ginamit ko lang ang aking asawa upang makarating dito sa bansang Korea. Masyado akong nabigla sa mga pangyayari.
Kung ako ay nagahasa ng aking byenan na lalaki at nahatulan ng pagkawalang bisa ang aking kasal at pabalikin sa Vietnam ako ay mahihirapan na pasanin ang sakit at paghihirap na nag-iisa. Kahit bumalik ako sa Vietnam ay walang maglilibang at magbibigay ng lakas sa akin. Tanggapin lamang na nahatulan. Kung ako ay maging ganito wala akong tiwala sa aking sarili na mabubuhay. Nakakatakot, ito ay kakila-kilabot. Hindi ko alam kung bakit nangyari ang ganito sa akin.
Habang hinihintay ang paghatol sa Korte Suprema kahapon ako ay hindi mapakali hindi rin nakapunta sa Ospital kahit mataas ang lagnat. Kumakaba ang aking dibdib habang naghihintay. Hindi makaupo hindi rin makatayo hindi ako mapakali. Nanalangin na sana ay lumabas ang makatarungang resulta.
Ako ay umaasa na sana ay magkaroon ng positibong epekto sa mga kababaihan hindi lamang sa pamamagitan ng makatarungan resulta ng paghatol sa aking paghihirap na naging biktima ng karahasang sekswal. Ang naging balanseng resulta ng paghatol na ito sa akin na naging isang takot sa aking buhay. Umaasa ako na sana ay hindi na magkaroon ng mga pagdurusa sanhi ng pang-aabusong sekswal sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Maraming Salamat sa mga taong nagbigay ng kapangyarihang puwersa na tulong upang magkaroon ng katarungan at nagbigay ng lakas sa akin na kinabibilangan ng Hukom sa Kataas taasang Hukuman, mga abogado, ang mga taong nangangasiwa sa shelter, Migrant Women Human Right Center, National Women Migrant Shelter, Women’s Organization such as Stakeholder. Ang tangi ko lang na kayang maiparating ay ang lubos na pasasalamat.
Kung sakali na mangibabaw sa kasong ito na ako ay manatiling manirahan sa Korea, nais kong ipakita sa lahat na magiging maayus ang aking pamumuhay lalo na sa mga taong nagbigay ng suportang tulong sa katulad ko na nag sakripisyo sa isang mahirap na sitwasyon.
Maraming Salamat.
Ika-19 ng Pebrero 2016
※ Nagsalin at namahala: Le Thi Mai Thu
(Korean Women Migrant Human Right Center Human Right Team Leader )
‘Pagpapawalang bisa ng kasal laban sa pang-aabusong sekswal sa bata na nakaranas ng panganganak’ Masidhing pag-anyaya sa pagbabalik sa pagkawasak ng kaganapan para sa Vietnamese na kababaihan sa paghatol ng Kataas tasang Hukuman!
Kataas-tasaang Hukuman(Third, Chief Justice Kim Sin )ika-18 ng Pebrero 2016 2:00PM ‘Pagpapawalang bisa ng kasal laban sa pang-aabusong sekswal sa bata na nakaranas ng panganganak’ Pagkansela ng kasal ng babaeng mula sa Vietnam sa pamamagitan ng pagkilala sa mga pananagutan dinisisyunan sa Hukuman sa Distrito ng Jeonju.
Ang Kataas-taasang Hukuman ay magdisisyon kung ang mga kaugnay na partido ay nagka-pinsala katulad ng pagbubuntis at kaso ng panganganak dahilan sa pang-aabusong sekswal sa bata na hindi mo inalintana at ng iyong doktor kung ang ganitong panganganak ay aksidente o naranasan, kung kabilang sa mga kilalang-kilala na mga lugar na mga partido. Ayun sa Pangatlong partido ay maasahan na magiging lihim ang mahalagang bahagi sa personal na karangalan. Sa aking palagay ito ay nabigo na ipaunawa ang obligasyon na ito ay walang katapusan. Kaya, sa pamamagitan ng simpleng paraan na hindi ipaalam ang karanasan sa panganganak, sa pamamagitan ng pinasiyahan na ito ay hindi direkta na naipapasa ayon sa Civil Code Section 816-3 na magiging dahilan para mapawalang bisa ang kasal, upang maipakita na nabubuhay ang isip at pangangatawan sa karaniwang kahulugan at sa batas ng Lipunan ng Korea kasama na ang kaso ng pandaigdig na pag-aasawa.
Na ang resulta ng sekswal na pang-aabuso sa bata na naging sanhi ng panganganak ng espesyal na sanggol, ito ay pinapaunawa na ang obligasyon ay ipapataw sa nasasakdal ayun sa karapatang moral na pambabae, ang batas ng konstitusyon ay garantisado para sa mga pribadong impormasyon at personal na mga karapatan at sariling mga pagpapasya , kapansin-pansin at lumalabag sa proteksyong pang pribado at kalayaan, bilang karagdagan para sa binibigay na proteksyon ng pambansang batas at internasyunal na batas upang protektahan ang mga batang biktima ng sekswal na karahasan, ang Kataas-taasang Hukuman ay itinama ang hindi pagkakaunawan sa batas ng hukuman.
Samantala, ng dahil sa naranasan na panganganak bago ikasal, ang kasal ay mapapawalang bisa at ang pasanin ng pagbubuntis at panganganak ay ipinapataw sa naaangkop na mga kababaihan, Ayun sa pamantayang ipinanukala ng Kataas-taasang Hukuman ang ganitong pangyayari na naganap bago ikasal ‘karanasang panganganak’ay magiging dahilan upang mapawalang bisa ang kasal.
Sa lokal na mga kaso ‘katunayan ng abiso ng panganganak’ na ito ay totoo sa kanyang sarili na ito ang dahilan sa pagpapawalang bisa ng kasal. Subalit sa kaso ni A isang babae na mula sa Vietnam ito ay isang kahila-hilakbot na karanasan na manganak dahil sa pang-aabusong sekswal, ito ay malinaw na kadahilanan upang mapawalang bisa ang kasal na nagpapahirap sa likas na katangian ng biktima ng sekswal na pang-aabuso kaming Mga Kababaihan‧ Grupo ng Kababaihan ay masidhing nag poprotesta. Gayon pa man, ang Unang paglilitis at Ikalawang paglilitis na ang asawang lalaki ay taas ang kamay at malinaw na narinig ang pagkawalang bisa ng kasal at pagkakaloob ng sustento. Ang mga organisasyon na sumusuporta sa mga biktima kabilang ang depensa ng mga abogado ay umapila sa Kataas- taasang Hukuman, Ang resulta sa pangalawang paglilitis ay nahatulan ng pagkasira. Ang pagkawalang bisa ng kasal ay responsibilidad ng biktima ng pang-aabusong sekswal at ito ay natural lamang din na kinikilala ang hindi patas na paghatol sa Una at pangalawang paglilitis.
At ang isa pang kapansin-pansing isyu sa kasong ito ay ang patunay na sa batang edad ay dinukot at ginahasa at nag kaanak sa Vietnam, ay nagpakasal sa Koreano upang makapag-simula ng bagong buhay subalit siya ay ginahasa ng byenan na lalaki na ang katotohanan na siya ay nakaranas ng dalawang beses na panggagahasa. Dahil sa panggagahasa ng byenan na lalaki ang kanyang buhay pag-aasawa ay nagkaroon ng kakila-kilabot na karanasan at ito ay napawalan ng bisa, hindi marahil namin matatanggap pa ang iba pang mga sakit na sanhi ng sekswal na pang-aabusong karanasan, upang hindi pa mahuli ang lahat gumawa kami ng paraan upang magkaroon ng kaparusahan.
Ang kaparusahan ay posibleng napakalaking epekto para sa mga babaeng migrante mula sa Vietnam. Ang katotohanan na hindi simple panganganak dahil ito ay sanhi ng panggagahasa, ang hindi pagsasabi ng pagkakaroon ng anak dahil sa panggagahasa ay kinikilala ng Kataas-taasang Hukuman. Ang punto ay hindi dapat pamarisan ang ginawa na makakaapekto sa lahat ng mga kababaihan habang panahon sa komunidad ng Korea. Ang Kataas-taasang Hukuman ay sumasalamin sa mga karapatang pantao ng mga kababaihan sa kasong ito ay umaasa kami na magiging aktibo ang Mataas na Hukuman ng Jeonju
Ika-22 ng Pebrero taong 2016
Korean Women Migrant Human Rights Center sa kooperasyon ng
20 Organisasyon, Dayuhang Kababaihan‧Grupo ng Kababaihan